Saturday, July 26, 2014

Sunday, July 13, 2014

Ang sakit sa feeling kapag sinabi niyang ayaw na niya kasi may mahal na siyang iba...










Habang ikaw, hirap na hirap sa pagsalba ng relasyon niyong dalawa.

Saturday, July 12, 2014

AWKWARD

Awkward...



'yung close na close kayo noon na para kayong mag-best friend pero nagbago na 'yon kasi sinabi niyang mahal ka niya. Yung pangako niyang hindi siya maiinlove sayo, eh bigla nalang napako.


Tatanggapin mo ba ang pag-ibig niya?
o
Kunwari wala na lang pag-asa?

I'M FINE


I'm FiNE. 'yan yung palagi nating sinasabisa iba kahit nasasaktan na tayo ng sobra. Yung kahit gustong-gusto monang umiyak sa harap ng buog mundo, hindi mo magawa. Kasi natatakot kang mahusgahanat masabihang mahina. Tayo kasi gusto nating magmukhang matatag sa iba pero ang totoo, mahina naman talaga tayo. Sana kasi, maisip natin na may hangganan din naman lahat ng kaya natin. May hangganan din yung pagiging matatag natin. Hindi ko sinasabing dapat tayong maging lampa. Ang sinasabi ko lang, maging totoo tayo sa sarili natin at sa ibang tao.

Kapag hindi mo na kaya, eh di hindi na. Pahinga ka din kasi pag may time hindi yung pinapagod mo yung sarili mo. Wag kang ma-pressure. Kung para sa iyo ang isang bagay, para sayo talaga yun.

Ouch

Yung taong mangangako xaung hindi ka iiwan hanggang dulo pero nagxawa rin agad xau.



Sana kasi di ka na lang nangako dba?

Sunday, July 6, 2014

Conversation with him

Yung nakipag-chat sakin si seatmate. Ang sabi niya...

Seatmate: Seatmate kong maganda, kamusta?
Ako: Ayos lang ako seatmate. Ikaw?
Seatmate: Ayos lang din ako. Favor nga.
Ako: Ano yun?
Seatmate: Parang nahihiya ako seatmate.
Ako: Kahit ano, basta ikaw seatmate. ^_~
Seatmate: Ang bait mo talaga seatmate. Kaya mahal kita eh.
Ako: Fuck! Mahal mo ako?!
Seatmate: Malamang. Best friends na kaya tayo. Ilakad mo pala ako sa kanya. Hihintayin ko tulong mo ha? Labyu seatmate/bestfriend ko.



#BestFriendsZone.
#LintikNaPag-ibig.

Akala ko ayun na. Hayss.. si Cupido kasi. Nung pinana niya si Seatmate/best friend ko, sakto namang nagsintas ako ng sapatos ko. Kaya ayun, iba yung natamaan. Hindi tuloy kami nag-match ni seatmate. -_-         
Sabi nila, kapag daw iniwan ka ng isang tao...



MOVE ON NA.

Pero paano nga ba kalimutan ang isang taong pinangakuan kang hindi ka iiwan?
Yung ginawa mo ang lahat para lang mapasaya siya..


Pero mas sasaya pa pala siya sa piling ng iba.

Saturday, July 5, 2014

Para sayo, Ex.

Dear Ex,

Una sa lahat, nagpapasalamat ako sayo dahil sa mga araw na pinaligaya mo ako.
Yung mga araw na palagi tayong magkasama.
Mga araw na napuno ng tawa.
Mga alaalang babaunin ko ngayong wala ka na.
Gusto din kitang pasalamatan sa mga araw na nagsilbi kitang sandalan.
Mga araw na dinamayan mo ako sa lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Nais ko sanang itanong sayo kung bakit hindi mo tinupad ang iyong mga pangako?
Pangako mong hindi mo ako iiwan.
Pangako mong hindi mo ako sasaktan.

Ang sabi mo ako lang at wala nang iba.
Pero bakit ngayon, nakikita kitang may kasamang iba?
Minsan, itinatanong ko sa sarili ko kung may pagkukulang ba ako sayo.
Pilit ko mang intindihin ang lahat,
Hindi pa rin iyon sapat.

Napakadaya kasi ng tadhana.
Hinayaan tayong maging masaya sa umpisa.
Pero sa dulo, hindi pala tayo ang para sa isa't-isa.
Ang sakit isipin na kahit baliktarin natin ang mundo,
Hindi pa rin tayo ang magkakatuluyan sa dulo.

Hindi ko hihilingin na sana hindi na lang tayo nagkakilala.
Kasi naging masaya ako sayo nung tayo pa.
Kung hindi talaga tayo ang nakatadhana,
Ayos lang kasi nakikila pa rin kita.

Sige, hanggang dito na lang ang lahat.
Ingatan mo pala ang sarili mo.
Hindi na kasi kita maaaring alagaan gaya noon.
Kasi may iba nang nagmamay-ari sayo ngayon.

Ex, pakaingat ka.
Wag mo sana akong makalimutan.


Nagmamahal,
Ang iyong EX.

Love

"Love"
Big Word!
Isang walang kasiguraduhang bagay.
Hindi kasi natin alam kung sasaya tayo sa taong pinili natin.
Oo, sabihin na nating mahal mo siya at kaya mo siyang ipaglaban.
Pero tanong ko lang..
Mahal ka rin ba niya?
Kaya ka rin ba niyang ipaglaban?
Yun yung tanong dun eh.
Minsan kasi, naduduwag din tayo sa isang bagay na walang kasiguraduhan.
Sa isang bagay na hindi natin alam kung mananalo ba tayo sa dulo.
Tayo kasi, bago sumabak sa isang laban, gusto natin panalo tayo sa dulo.
Pero minsan, hindi pa nga nag-uumpisa yung laban,
Tayo na agad yung talunan.
Oo, walang masama kapag sumubok ka ng sumubok.
Sabi nga kasi nila..
"Try and try until you succeed"
Pero minsan, nakakapagod din kasi.
Nakakapagod kapag try ka ng try.
Hindi naman kasi natin alam kung mananalo pa talaga tayo.
Sayang effort.
Ika nga ng iba.
Ang Love kasi, magulo.
Parang abstract.
Maganda sa paningin ng iba, pangit naman sa iba.
Pero ang abstract kasi, may nakatagong meaning.
Para mabuo ito, kailangang sukat na sukat ang bawat linya o anggulo.
Malay mo, may isang tao palang handang kunin ito.
Parang sa atin.
Malay natin, may isang tao palang kayang umunawa sa bawat magulong anggulo natin.
Maybe someday, our one true love will come.

Mang-iiwan

Masakit yung iiwanan ka na lang bigla.
Yung hindi manlang magpapaalam sayo.
Yung kahit simpleng..
"Hoy ayoko na, iiwan na kita" 
yung kahit ganun lang hindi manlang nila magawang sabihin. 
Hindi kasi nila iniisip na aasa pa tayo na babalik sila. 
Hindi nila iniisip yung mararamdaman natin. Kung masasaktan ba tayo o matutuwa. 
Sila kasi, porket alam nilang mahal natin sila, super paasa na sila. 
Hindi kasi nila inisip na kahit feeling matatag tayong umaasa, 
eh nasasaktan din tayo kapag sobra na sila.

Dear Seatmate

Dear seatmate,

Alam mo ba first day pa lang crush na kita? Sobrang pasasalamat ko kay ma'am nung inilipat niya ako sa tabi mo. Halos indi na ako makahinga sa sobrang saya. Kaso nakakalungkot kasi nung umpisa, umangal ka na ayaw mo akong katabi. Pero sa huli, ikaw na mismo yung ayaw magpaalis sakin.

Seatmate, crush mo din ba ako? Alam mo, nakakainis ka. Ang landi mo. Minsan, ako yung palagi mong nialandi. Pero malingat lang ako saglit, iba na. Barkada ko pa. Crush mo siya diba? Crush din kita eh. Pero bakit ang sakit? Parang hindi ako makahinga.

Nakikita mo lang naman kasi ako kapag wala na siya. Pero kapag nandiyan siya, parang hindi mo ako kilala.

Sana naman seatmate, mapansin mo rin ako kahit na nandiyan siya. Masakit sa bangs eh. Pati sa ego.

Sana kami na lang ulit

"Sana kami nalang ulit".
 
'Yun tayo eh. Laging ganun ang wish. May maalis lang tayong pilik mata, wish na agad. Minsan, yan pa yung palagi nating wini-wish kapag nakakakita tayo ng mga meteors. Kadalasan, 'yun rin yung laman nung mga panalangin natin.

Pero naisip niyo na ba kaya kayo naghiwalay ay dahil sa hindi kayo ang para sa isa't-isa? O kaya ay hindi pa ngayon ang oras ninyong dalawa? Tayo kasi, gustong-gusto nating ipinipilit ang isang bagay na hindi naman dapat ipagpilitan kasi sa huli, tayo lang rin ang masasaktan.

Tayo kasi, "Just go with the Flow"ang lagi nating sinasabi. Kung hindi na kayo, eh di go with the flow na lang kasi hindi nga kayo diba? Darating at darating din kasi yung taong para sa atin. Hintay hintay din kasi pag may time.

Sige ka, dahil sa kakamadali mo, baka mapunta ka pa sa maling tao.
Ang hirap palang maging pangalawa sa taong palagi mong inuuna.

Thursday, July 3, 2014

Sa love... minsan laban tayo ng laban pero hindi natin alam na yung mismong ipinaglalaban natin ay sumuko na pala. Tayo kasi, feeling sundalo. Lahat ng giyera papasukin basta manalo lang tayo. Parang sa love, akala kasi natin once na lumaban tayo, eh panalo hanggang dulo. Minsan kasi, feeling natin nasa isang fairytale love story tayo na laging happy ending ang bagsak. Pero in reality, bigo tayong makuha yung happy ending na 'yon. Kasi minsan, hindi sang-ayon ang tadhana sa mga ipinaglalaban natin. Eh kasi minsan, kung saan natin nahanap ang ating kasiyahan, yun pa yung hindi puwedeng puntahan.