Saturday, July 12, 2014
I'M FINE
I'm FiNE. 'yan yung palagi nating sinasabisa iba kahit nasasaktan na tayo ng sobra. Yung kahit gustong-gusto monang umiyak sa harap ng buog mundo, hindi mo magawa. Kasi natatakot kang mahusgahanat masabihang mahina. Tayo kasi gusto nating magmukhang matatag sa iba pero ang totoo, mahina naman talaga tayo. Sana kasi, maisip natin na may hangganan din naman lahat ng kaya natin. May hangganan din yung pagiging matatag natin. Hindi ko sinasabing dapat tayong maging lampa. Ang sinasabi ko lang, maging totoo tayo sa sarili natin at sa ibang tao.
Kapag hindi mo na kaya, eh di hindi na. Pahinga ka din kasi pag may time hindi yung pinapagod mo yung sarili mo. Wag kang ma-pressure. Kung para sa iyo ang isang bagay, para sayo talaga yun.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.jpg)
No comments:
Post a Comment