"Love"
Big Word!
Isang walang kasiguraduhang bagay.
Hindi kasi natin alam kung sasaya tayo sa taong pinili natin.
Oo, sabihin na nating mahal mo siya at kaya mo siyang ipaglaban.
Pero tanong ko lang..
Mahal ka rin ba niya?
Kaya ka rin ba niyang ipaglaban?
Yun yung tanong dun eh.
Minsan kasi, naduduwag din tayo sa isang bagay na walang kasiguraduhan.
Sa isang bagay na hindi natin alam kung mananalo ba tayo sa dulo.
Tayo kasi, bago sumabak sa isang laban, gusto natin panalo tayo sa dulo.
Pero minsan, hindi pa nga nag-uumpisa yung laban,
Tayo na agad yung talunan.
Oo, walang masama kapag sumubok ka ng sumubok.
Sabi nga kasi nila..
"Try and try until you succeed"
Pero minsan, nakakapagod din kasi.
Nakakapagod kapag try ka ng try.
Hindi naman kasi natin alam kung mananalo pa talaga tayo.
Sayang effort.
Ika nga ng iba.
Ang Love kasi, magulo.
Parang abstract.
Maganda sa paningin ng iba, pangit naman sa iba.
Pero ang abstract kasi, may nakatagong meaning.
Para mabuo ito, kailangang sukat na sukat ang bawat linya o anggulo.
Malay mo, may isang tao palang handang kunin ito.
Parang sa atin.
Malay natin, may isang tao palang kayang umunawa sa bawat magulong anggulo natin.
Maybe someday, our one true love will come.
No comments:
Post a Comment