Dear seatmate,
Alam mo ba first day pa lang crush na kita? Sobrang pasasalamat ko kay ma'am nung inilipat niya ako sa tabi mo. Halos indi na ako makahinga sa sobrang saya. Kaso nakakalungkot kasi nung umpisa, umangal ka na ayaw mo akong katabi. Pero sa huli, ikaw na mismo yung ayaw magpaalis sakin.
Seatmate, crush mo din ba ako? Alam mo, nakakainis ka. Ang landi mo. Minsan, ako yung palagi mong nialandi. Pero malingat lang ako saglit, iba na. Barkada ko pa. Crush mo siya diba? Crush din kita eh. Pero bakit ang sakit? Parang hindi ako makahinga.
Nakikita mo lang naman kasi ako kapag wala na siya. Pero kapag nandiyan siya, parang hindi mo ako kilala.
Sana naman seatmate, mapansin mo rin ako kahit na nandiyan siya. Masakit sa bangs eh. Pati sa ego.
No comments:
Post a Comment