Saturday, July 5, 2014

Para sayo, Ex.

Dear Ex,

Una sa lahat, nagpapasalamat ako sayo dahil sa mga araw na pinaligaya mo ako.
Yung mga araw na palagi tayong magkasama.
Mga araw na napuno ng tawa.
Mga alaalang babaunin ko ngayong wala ka na.
Gusto din kitang pasalamatan sa mga araw na nagsilbi kitang sandalan.
Mga araw na dinamayan mo ako sa lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Nais ko sanang itanong sayo kung bakit hindi mo tinupad ang iyong mga pangako?
Pangako mong hindi mo ako iiwan.
Pangako mong hindi mo ako sasaktan.

Ang sabi mo ako lang at wala nang iba.
Pero bakit ngayon, nakikita kitang may kasamang iba?
Minsan, itinatanong ko sa sarili ko kung may pagkukulang ba ako sayo.
Pilit ko mang intindihin ang lahat,
Hindi pa rin iyon sapat.

Napakadaya kasi ng tadhana.
Hinayaan tayong maging masaya sa umpisa.
Pero sa dulo, hindi pala tayo ang para sa isa't-isa.
Ang sakit isipin na kahit baliktarin natin ang mundo,
Hindi pa rin tayo ang magkakatuluyan sa dulo.

Hindi ko hihilingin na sana hindi na lang tayo nagkakilala.
Kasi naging masaya ako sayo nung tayo pa.
Kung hindi talaga tayo ang nakatadhana,
Ayos lang kasi nakikila pa rin kita.

Sige, hanggang dito na lang ang lahat.
Ingatan mo pala ang sarili mo.
Hindi na kasi kita maaaring alagaan gaya noon.
Kasi may iba nang nagmamay-ari sayo ngayon.

Ex, pakaingat ka.
Wag mo sana akong makalimutan.


Nagmamahal,
Ang iyong EX.

No comments:

Post a Comment